Wednesday, July 8, 2015

5 Tips sa Isang Epektibong Relasyon

Relasyon... 

Importante ba ang relasyon para sa iyo? Ano nga ba ang relasyon para sa iyo? Nakakatulong ba ito sa iyong pang araw araw na buhay...  Marami klase ang relasyon, may relasyon para sa asawa, anak, mga magulang, kapatid, at maging sa ating kaibigan... 

Para sa akin, ang relasyon ay importante. Kung wala tayong magandang relasyon sa ating kapwa, hindi rin tayo uunlad. Ito ay napakahalaga sa bawat isa. Sa kung paano tayo makikitungo sa araw araw na pakikibaka sa magkakaibang tao. Ito ang nagiging pagsubok natin dahil ang bawat isa ay may kanya kanyang paguugali. Sabi nga nila "You can't please everyone" ... Pero may paraan naman para maging smooth ang ating relasyon sa ating kapwa. 


Ito ang tips ko para sayo upang magkaron ng magandang relasyon at mapanatili mo ito. Una, kelangan naten maintindihan o maunawaan ang bawat tao. Kung ano ang kilos niya at mga gusto niya. Pangalawa, ihonor o bigyan ng pugay ang bawat isa araw araw, tuwing umaga maari mong icherish and inyong mga moments. Pangatlo, iwasan ang pakikipagtalo or alitan. Hindi ito maganda sa isang relasyon at ito ang papatay sa isang relasyon. Hangga't maari ay unawain ang bawat isa. Pang-apat, maging masaya araw araw. Ikaw lang ang maaaring makapag control ng iyong kasiyahan, dapat mong isipin at ipadama ang kasiyahan na ito. Pang-lima, Kung nais mong irespeto ka, Irespeto mo muna ang iba o ang iyong kapwa. Kung gusto mo mahalin ka nila, ipakita at ipadama mo muna sa kanila na mahal mo rin sila. In short, give what you want to receive. 

So, ano ready ka na ba sa iyong karelasyon? Maari mong absorb ang nabanggit ko sa itaas, maari rin may sarili ka ring diskarte sa pakikipag relasyon. Oh ano pang hinihintay mo? Ipadama mo na ang tamang relasyon sa iyong kapwa. 


No comments:

Post a Comment